Galicano apacible biography for kids
Biography of famous people for kids!
Talambuhay ni Galicano Apacible
Sa pagpapayabong ng kalayaan sa labas ng Pilipinas, nabibingit ang mga buhay ng pamilya ng sinumang propagandista.
Iyan ang naranasan ni Galicano Apacible, isang pangunahing propagandistang Pilipino na naglayong palayain ang Pilipinas sa mapang-aping mga kamay ng mga dayuhan.
Si Galicano o Canoy ay isinilang noong Hunyo 25, 1864 sa Balayan, Batangas.
Bunso siya sa tatlong anak nina Vicente Apacible at Catalina Castillo.
Galicano apacible biography for kids
Ang mga Apacible ay kabilang sa nakakariwasang pamilya sa kanilang lugar. Publiko at pribadong paaralan ang pinasukan ni Galicano sa elementarya. Tinapos naman niya ang sekundarya sa pribadong paaralang pag-aari ni Benedicto Luna.
Kumuha siya ng Bachelor of Arts sa Letran at ng Medisina sa UST. Nang makaengkwentro ni Galicano ang isang paring Dominiko ay nagpasiya siyang sa ibang bansa na mag-aral. Tinapos niya ang Lecenciate in Medicine and Surgery sa Unibersidad ng Barcelona at ang Doctorate in Medicine sa Unibersidad Central de M